Saturday, March 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

UP dorm shortage: Magpakatotoo kayo!

Ayon kay Lyn Dimaano, VP for Academic Affairs of BRAINS, na taga College of Education sa Unibersidad ng Pilipinas na nag post sa kanyang Facebook page, sino ba raw ang mga estudyanteng ito na nage-expect pa raw ng dorm na mura. Akalin nyo, no? Sa UP na syang pangunahing pamantasan sa Pilipinas kung saan lahat ng magaaral ay tinaguriang iskolar ng bayan, masama pala ang mag expect ng mura na dorm. Mapapagsabihan kang magtrabaho ka para ma afford mo yung dorm. Ang parinig ay, bakit hihingi nga naman ng dorm na mura. Ano ba kayo, tamad? Sus naman.

At dahil sa kakulangan ng paghahanda, may tatlong daang estudyante ang nag mala iskwater sa harap ng Kalayaan dorm naaantay ng kanilang dorm assignments dahil nga hindi sila natanggap dun sa kaya nilang ma-afford. Nilalagay sila dun sa halos tatlong libong piso kada bwan na tirahan. Oo nga naman, UP, ano? Kayang kaya yan ng mga dukhang magaaral ng pamantasan natin.

Bakit daw sustentuhan ng mga nagbabayad ng buwis ang mga estudyanteng ito, ani ni Ms. Dimaano. Sino ba kayo?

Aba, Ms. Dimaano, narinig mo na ba yung VAT? At yung Expanded VAT? Lahat ng taong bumibili, kahit ng kendi o hamak na yosi sa mga vendor ay nagbabayad ng buwis. Sa madaling sabi, yang mga estudyanteng nilait mo? Taxpayers din sila. Ano ba akala mo, manlilimos sila?

At yang tanong mong sino ba kayo? Aba’y nakakalimot ka yata ng lugar mo sa sistema. Public servant ka. Ikaw ang dapat tinatanong, sino ka ba, para itrato mo ang estudyante ng ganyan, para maliitin mo, para kagalitan dahil sa pagkadesperado ng kanilang sitwasyon?

Hindi ko tatanungin kung naiintindihan mo ang kalagayan nila, o ang maging katulad nilang halos mamalimos para makaaral.  Ang tanong mo, “Ano ba ng kasiguruhan na ang mga nagdodorm na ito ay pakikinabangan ng Pilipinas pagkatapos ng ilang taon?” Baka gusto ma rin kasing magbasa ng Saligang Batas paminsan minsan. Nakalagay duon, “The State shall promote and protect the right of citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

So kung hindi mo man naiintindihan, ito na lang ang tandaan mo: KARAPATAN ang edukasyon. Ibig sabihin, kung may karapatan, merong may obligasyon. Ang may obligasyong ibigay ito ay ang estado. Kasama ka dun. At kung magbibigay ang estado ng iskolarship, pero ipagkakait rin ang rasonableng tirahan nila, para na ring ipinagkait ninyong makaaral sila. Hindi nila ito nililimos. Magbabayad sila, yung nga lang, yung kaya nila. Alam nyo ito, alam  nyo kung gaano sila kahirap, di ba? Kasi tinatanong nyo ung mga data na yan para sa socialized tuition.

At yung patutsada mo pang magtrabaho sila, utang na loob naman. Di pwedeng i-abdicate ng estado ang obligasyon nitong magpaaral sa taong bayan. Pumasa ang mga ito ng UPCAT. NAgsabi kayong may mga dorm na abot kaya ang halaga. Kung kulang ito, aba, di ba kayo ang nangungunang i-promote na dapat ang State University ay para sa mahirap? O hala, andyan na ang mahihirap at di pa pala kayo handa para dito?

Tigilan ang lola nyo. Kung gusto mo ipagtanggol ang mga nagbabayad ng buwis, ipagtanggol mo sila. At magpakatutoo ka. Mahirap na ang buhay. Kailangan pa bang pahirapan sila lalo?

Related Posts
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
  • pm

    hindi po si Ma’am Lyn Dimaano ang VP for Acad Affairs sa UP System.
    http://www.up.edu.ph/administration/vice-president-for-academic-affairs/

    • ladeedah

      VP for acad affairs siya ng BRAINS, sabi sa article.

      • pm

        Buti naman na-correct na nila.

  • angrymob

    Actually alumna si Mrs. Dimaano ng UP. Nakakagulat ngang ganyan siya magsalita samantalang isa sya sa mismong pinag-aral ng bayan. Nakalimot na ata!

    • minakisora

      O siguro eh makagraduate lang noong panahon niya. Isa siya siguro sa mga walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

  • donjzzz

    sa mga iskolar ng bayan, diskarte lang yan.

  • the_one_who_isnt_named

    Tawa naman ako dito… can’t even get the facts right, tsktsktsk. Hahahahaha! Can’t even get the message right. Ay sus! =D .

  • Juan Miguel Castro Manalo

    Wala akong pakialam kung mag-cover up siya sa sinabi niyang kahiya-hiya, kasi halatang antipatika at matapobre pa rin ang dating niya sa hindi niya pag-realize ng pagkakamali niya.

RECOMMENDED

Trending News

Politiko Poll

politiko-politics-ph-logo

Copyright © 2017 Politiko - politics.com.ph.

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.