WebClick Tracer

Day: June 2, 2021

WATCH | Go: Hindi katanggap-tanggap ang rotational brownout

Tahasang sinabi ni Senador Christopher Bong Go na hindi katanggap-tanggap na magkaroon tayo ngayon ng rotational brownout dahil posibleng masira ang mga nakaimbak na mga bakuna sa cold storage facilities.

Sinabi ni Go na kakausapin niya so Department of Energy ( DOE) Secretary Alfonso Cusi at maging si Pangulong Rodrigo Duterte para makagawa agad ng hakbang dahil hindi dapat tayo masiraan ng kahit isang bakuna dahil sa posibleng pagkakaroon ng rotational brownout.

WATCH | 4-M Sinovac vaccine hinahanapan ng pondo – Go

Inamin ni Senador Christopher Bong Go na nakausap niya si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kung saan sinabi sa kanya na malaki ang problema dahil hinahanapan nila ng pondo ang 4M na Sinovac Vaccine kung paano ito mababayaran dahil nagkaroon aniya ng problema sa mga papeles at hindi ito mababayaran ng Asian Development Bank. ( ADB).

WATCH | Pacquiao: Kawawa tayo sa POGO

Tinanong ni Senador Manny Pacquiao sa kanyang interpellation kay Senadora Pia Cayetano kung ilan na na talaga ang eksaktong bilang ng mga Philippine Offshore and Gaming Operators ( POGO) na nag-ooperate sa bansa.

Ayon kay Pacquiao kung hindi nagbabayad ng buwis ang POGO kawawa tayo sa POGO.

Aniya kung patuloy ang krimen na nagaganap dulot ng POGO at pagkalat ng mga illegal Chinese nationals kawawa ang bansa sa POGO.