WebClick Tracer

Day: July 6, 2021

WATCH | PHIVOLCS: “Bulkang taal, mahigpit na binabantayan”

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, mahigpit nilang binabantayan ang bulkang taal dahil nananatili itong nasa alert level 3. Aniya, kailangang makakita ang kanilang ahensya ng tuloy-tuloy na paghupa sa sitwasyon ng taal volcano bago nila pabalikin ang mga residente sa kanilang tirahan.

WATCH | PHIVOLCS: “Huwag kayong pakampante”

Sinabi ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum na mas mainam para sa mga residenteng nakatira sa paligid ng bulkang taal na lumikas nalang dahil delikado umano ang asupreng ibinubuga nito. Aniya, sakaling magsama ang magma at tubig sa bulkan ay mataas ang posibilidad na magkaroon ng pagsabog dahilan ng pagbagsak ng mga bato at abo.