WebClick Tracer

Day: July 13, 2021

WATCH | DILG: “Travel protocols, ipatutupad pa rin.”

Sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing III na mananatili parin ang protocols sa mga travelers pero hahayaan ng kanilang ahensya na magkaroon ng sariling desisyon ang local government katulad nalang ng pagkakaroon ng swab test sa mga travelers bago bumiyahe at dumating sa kanilang destinasyon. Aniya, nasa lokal na gobyerno ang desisyon kung irerequire nila sa mga travelers na magkakaroon ng vaccination cards.

WATCH | DILG: “Uniformed personnel, prayoridad na mabakunahan.”

Inihayag ni DILG Usec. Epimaco Densing III na prayoridad ngayon ng ahensya na mabakunahan ang mga uniformed personnel pero nakadepende parin ang pagbabakuna sa availability ng mga vaccine. Aniya, may mahigit labing isa hanggang labing anim na milyong bakuna ang darating ngayong buwan ng hulyo.

WATCH | DILG: “Budget para sa ayuda, ubos na!”

Aminado si DILG Usec. Epimaco Densing III na ubos na ang nakalaang pondo para sa ayuda ng mga apektado ng covid-19 pandemic. Aniya, umaasa ang kanilang ahensya na sa Bayanihan 3 ay magkakaroon ng additional budget sakaling maglockdown ang gobyerno sa mga lugar na may mataas na kaso ng covid-19.