WebClick Tracer

Day: September 21, 2021

WATCH | Airport police, PNP Aviation may alitan – Dela Rosa

Inamin ni Senador Ronald Bato Dela Rosa sa pagdinig sa senado na kahit noon PNP Chief siya may namumuo ng alitan sa paliparan sa pagitan ng PNP Aviation at Airport Police kung sino ang mamumuno o mamamahala sa seguridad sa paliparan.

Nananawagan naman si Dela Rosa sa magkabilang panig na isantabi na muna ang usapin kung sino ang may Karapatan dahil mas dapat na tutukang mabuti ang seguridad ng paliparan sa halip na magbanggaan.

WATCH | 12-M botante pagkakaitang magkaboto – Pangilinan

Iginiit ni Senador Francis Kiko Pangilinan na base mismo sa data ng Commission on Election at Philippine Statistics Authority aabot pa sa 12 Milyon mga botante ang hindi parin nakakapag-rehistro.

Ito ang maging sagot ni Pangilinan sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa plenaryo sa senado.

Ayon kay Pangilinan dapat na palawigin pa ng isang buwan ng Comelec ang voters registration para hindi mapagkaitan ang mga kababayan na nais na makapag rehistro.

Nauna ng sinabi ni Pangilinan na dahil sa pandemya na dulot ng Covid 19 at may ilan pang hindi fully vaccinated ang hindi nakapag rehistro kung kayat dapat na bigyan pa ng isang buwan na extension ang mga nais na magparehistro at ireactivate ang kanilang registration.

Ipinunto pa ni Pangilinan ang reklamo ng mga nais na magparehistro na pumipila sila ng 7 hanggang 8 oras subalit inaabot ng cut off dahil sa dami ng mga nais magparehistro.

Dahil dito Balik na ulit sila kinabukasan subalit minsan puno narin at umuuwi nalang ang mga nasi magparehistro.

Ipinunto pa ni Pangilinan na noon 2013, 2016 at 2019 ang deadline ng voters registration ay October 31 kumpara ngayon na September 30 kung kailan pandemya.