WebClick Tracer

Day: November 8, 2021

WATCH | Doon tayo sa living wage!

tutuloy umano ni senatorial aspirant at Bukluran ng Manggawang Pilipino president Atty. Luke Espiritu ang pagsasabatas ng P750 minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa, sa oras na maupo ito sa Senado.

Sa panayam, iginiit ng labor lawyer na mali umanong ipagpalagay na mas mababa ang gastos ng pamumuhay sa mga probinsiya sa labas ng Metro Manila.

Dagdag pa ng opisyal, “barya” lamang ang panukalang P750 na arawang pasahod kung ikukumpara sa kinikita ng mga kompaniya.

Maliban pa rito, plano rin ni Espiritu ang pagbuwag sa National Wages and Productivity Commission at Regional Tripartite Wage and Productivity Board, na siyang nagtatakda ng minimum wage sa mga rehiyon.

WATCH | Ibasura ang oil deregulation law!

Naniniwala si senatorial aspirant at Bukluran ng Manggawang Pilipino president Atty. Luke Espiritu na hindi lamang simpleng pagbili ng gobyerno sa kompaniyang Petron ang solusyon sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ginawa ng labor lawyer ang reaksyon sa pahayag ni Petron president Ramon Ang na nakahanda itong ipagbenta muli sa pamahalaan ang kompaniya kahit pa gawing installment sa loob ng limang taon ang pagbayad nito.

Pero para kay Espiritu, mahalagang tingnan din ng gobyerno ang totoo at mas malalim na kadahilanan kung bakit naging sunod-sunuran ang local market sa presyuhan ng langis.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at ibalik sa pamahalaan ang kontrol sa pagtakda ng presyuhan sa oil industry.