WebClick Tracer

Day: March 26, 2023

WATCH | Form of government, dapat na rin ayusin

Quirino Province Gov. Dax Cua, naniniwalang kailangan nang ayusin ang form of government ng Pilipinas para ma- institutionalize ang economic plan at mapalakas ang ugnayan ng Local Government Unit at national government.

Nagpasalamat din ang gobernador kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gayundin kay Vice President Sara Duterte-Carpio sa plano nitong palakasin ang economic development ng mga LGUs

WATCH | Charter Change, suportado ni Quirino Province Gov. Dax Cua

Quirino Province Governor Dax Cua, mariing sinusupurtahan ang Charter Change.

Punto ng gobernor na huli na ang Pilipinas sa ranking ng mga bansang may matatag na ekonomiya at kailangan ng pagtuunan ng pansain ang pasasaayos sa econimic provision ng bansa.

Nais rin ng gobernador na ma-review ang pagpapalawig ng termino ng mga government official, aniya, nalilimitahan sa 2 and half years ang development plan ng mga LGU dahil sa tatlong taong termino ng mga local government officials.

WATCH | I-push ang Net Zero Emission

Net Zero Emission, isinusulong ni Quirino Gov. Dax Cua; Quirino Province layong maging kaunaunahang probinsya sa South East Asia na makamit ang Net Zero Emission.

WATCH | Bumaba kahirapan sa Quirino Province

Quirino Province Gov. Dax Cua, malugod na inihayag na ang Quirino Province ay nakapagtala ng sigle digit poverty level.

Aniya, nagbunga ang kanilang pagsisikap sa pagbibigay ng mga proyektong magpapalakas sa ekonomiya ng kanilang probinsya.

WATCH | Para sa barangay official

Panukalang batas na Magna Carta for Barangay Officials, Personnel and Volunteer Workers, suportado ni Quirino Gov. Dax Cua.

Tinukoy ng gobernor ang kawalan ng pension at mababang kompensasyon na natatanggap ng mga barangay workers at officials na siyang “frontliners of the frontliners” at pumapasan ng ating gobyerno.

WATCH | Quirino Province Gov. Dax Cua: “I lost a friend”

Ito ang naging pahayag ni Quirino Province Gov. Dax Cua sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na tinuturing niyang isang kaibigan at katulungan sa panunungkulan sa bayan.

Mariin ding kinundena ng gobernor ang walang awang pagpaslang sa mga sibilyan na nanghihingi lang ng ayuda noong araw na pinatay si Gov. Degamo kasama na rin ang mga pagpatay sa iba pang lokal na opisyal.