Day: May 7, 2023

WATCH | Mayor Michael Rama, planong gawing Singapore like ang Cebu City

Plano ni Cebu City Mayor Michael Rama na gawing Singapore like ang Cebu City. Ayon sa alkalde matagal na nitong plano na i-transform ang Cebu City noong nanunungkulan palang ito bilang bise alkalde ng Cebu, sa pag-upo nito bilang alkalde, balak ni Mayor Michael Rama na pabilisin ang proseso mula 10 year project at i-accomplished ito sa loob lamang ng tatlong taon

WATCH | Cebu City kinakasa na Sinulog sa Sugbo Philippines 2024, Mayor Rama mangunguna

Cebu City, pinaghahandaan na ang Sinulog sa Sugbo Philippines 2024 sa pamumuno ni Cebu City Mayor Michael Rama bilang chairman ng nasabing aktibidad.

Inaanyayahan ni Mayor Michael Rama ang mga Pilipino at mga dayuhan sa loob at labas ng bansa na lahukan ang Sinulog Festival 2024 dahil marami aniyang silang inihaing mga aktibidad na sasalubong sa mga bibisita sa kanilang lungsod.

WATCH | Mayor Rama bet ipatanggal mga central island sa Cebu; itatayong flyover hinarang

Planong ipatanggal ni Cebu City Mayor Michael Rama ang mga center islands sa lahat ng kalsadahan sa Cebu City dahil dagdag sikip lang ito sa kalsada, aniya marami nang mga traffic light ang naitayo sa lahat ng intersection sa kalsadan ng Cebu kaya hindi na kailangan ng center island.

Nakiusap rin si Mayor Michael Rama sa nasasakupan nitong barangay na panatilihing maayos ang side walk para narin sa proteksyon ng mga kabataan.