The bible of Philippine politics

‘Bilog ang mundo:’ Sharon Cuneta hits back at House for ‘burning down’ ABS-CBN house, ‘killing’ kapamilya

0 910

Megastar Sharon Cuneta is devastated after a congressional panel overwhelmingly rejected the franchise bid of ABS-CBN network.

In a lengthy Instagram post, the Kapamilya actress railed against the lawmakers for allegedly burning down her home network and somehow killing its workers since they may lose their jobs.

“Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito,” she said.

She said no company is perfect but lawmakers still made a rash decision to deny the network of its fresh franchise.

She said ABS-CBN bosses were humble and decent but were treated like criminals by some congressmen during the hearings on the franchise application. The ABS-CBN executives also recognized the mistakes and promised to correct them and yet Congress still ruled against the company, she said.

“Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga Boss namin sa ABS-CBN na ang ilan, hindi lahat, pero ang ilan sa Congreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap,” she said.

“Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali. Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN,” she said.

Despite the shutdown of ABS-CBN, the wife of Senator Francis Pangilinan is hopeful that the fate of the network will eventually turn around.

“Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas,” she said.

 

View this post on Instagram

 

(Part 1:) Pinagtanggol ang anak; siniraan, ginawan ng istorya, binaligtad, walang tigil na pambabash. 💙 Namatayan ng isa sa paboritong Tita, hindi man lamang nakita dahil nasa Amerika siya. 💙 Di mapuntahan at madamayan ang mga pinsan kong parang mga kapatid ko na sa pagmamahalan at pagdadamayan namin sa pagkamatay ng Mommy nila. 💙 Lumaban sa paninira ng dating kaibigan, pero pinatawad din dahil lahat naman maaaring magbago pa basta tapat sa puso niya. 💙 Lahat ng paninindigan, okay lang na may kokontra, pero hindi natural sa tao ang kumontra ng may pambabastos at napakasasakit na salita gayong di naman sila pinipilit na sumang-ayon, kundi rumespeto lang gaya ng noong araw. 💙 Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga Boss namin sa ABS-CBN na ang ilan, hindi lahat, pero ang ilan sa Congreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap. Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali. Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. May isang Senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19. Saan at paano hahanap ng trabaho? Ako po ilang taon nang walang show sa ABS-CBN, nagkatampuhan din kami noon. Pero kundi sa COVID-19, nagsimula na sana ang bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids. Ganoon naman kami – may kanya-kanyang show sa kanya-kanyang panahon kasi iilang araw lang naman meron sa isang taon at ilang oras lang sa isang araw. Ayoko din ang napanood kong dinaanan ng ilang workers na di nabigyan ng kontrata at hanggang sa tinanggal ay temporary pa rin at biglaan pa. Sumama ang loob ko doon para sa kanila. Pero kung nabigyan ako at nila Angel ng

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

View this post on Instagram

 

(Part 2:) pagkakataon, sana nakausap namin ang mga Boss at kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga Kuya naming alam namin kung gaano kahirap ang mga naging trabaho. Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali. Si Sir Carlo Katigbak hindi pa gaanong katagal naming Chairman, pero napamahal sa amin dahil napakabuti at mapagkumbaba talagang tao. At magaling. He ran a very tight ship while he ran our station. And I am so proud to have been able to serve under him. Respeto lang ang ipinakita niya sa akin. Sana nagkaroon pa siya ng maraming taon na pagandahin pa ang pagpapatakbo ng ABS-CBN. I told him in the beginning of the hearings that I WAS NOT GOING TO LEAVE MY CAPTAIN DURING THESE MOST TROUBLED TIMES. And I stayed loyal ‘til the end. Ngayon lang ako nagpost tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko, iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko. Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito. Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking SAKIT na lang. Chaka po sobrang nakakapit ako talaga sa Diyos. Kaya okay ako, kahit na sabi nga ni Lupe, “gutay-gutay na” ang puso ko. Pagod na po ako. Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. Di na ako nagpapaapekto sa negatibo. Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas.❤️❤️❤️🙏🏼🙏🏼🙏🏼

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy