Nagsisimula na ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa paghahanda para sa mga elevated bus ramp na ilalagay sa kahabaan ng EDSA. Ayon kay Chairman Benhur Abalos, nakikipag-ugnayan na ang kanyang ahensya sa DPWH, DoTr, at mga lokal na pamahalaan na madadaanan ng proyekto.
WATCH | Let’s go Parliamentary! -Rep. Elpidio Barzaga Jr.
Naniniwala si Cavite Rep. Pidi Barzaga na mas makakabuti ang Parliamentary form of government sa bansa kaysa pormang Presidensyal. Aniya, ang mga Pilipino rin ang nagdurusa ng anim na taon kapag hindi magaling ang Pangulo, habang sa pormang Parlyamentaryo, maaring alisin ang pinuno sa anumang pagkakataon.
WATCH | Vaccines muna bago kickVacc! -Former Sen. JV Ejercito
Nalulungkot si former Senator JV Ejercito sa mga napapabalitang planong pagkakitaan ang Covid-19 vaccines. Dagdag pa nya, dapat iniisip ng pamahalaan na ang pagbabalik sigla ng ekonomiya ay nakasalalay sa pagkuha ng mga bakuna, kaya’t hindi dapat mauna ang personal na intensyon ng mga politiko, bagkus ay ang ikakabubuti ng mga Pilipino.
WATCH | Lagi nalang tamang hinala, walang tiwala! Cong. Pidi Barzaga sa mga Pilipino
Inamin ni Cong. Pidi Barzaga na ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa mga politikong ibinoto ay ang mismong dahilan kung bakit palaging iniisip na may political agenda sa pagsusulong ng Cha-cha. Kahit aniya malinis ang track record ng isang opisyal ay nahihirapan paring makakuha ng tiwala ito.
WATCH | Walang hike sa PhilHealth contributions habang may pandemya! – Former Sen. JV Ejercito
Hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng kahit anong pagtataas sa Philhealth contributions, ito ang sinabi ng principal sponsor ng Universal Healthcare Law at dating Senador JV Ejercito. Bagamat aniya ang naging pamantayan ng PhilHealth ay ang mismong batas, nararapat naman daw na iakma sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Pilipino ang mga hakbang.
WATCH | Mesheket po. Former Sen. JV Ejercito sa pagkatalo sa 2019 elections
Miss na miss na ni dating Senator JV Ejercito ang trabaho nito sa Senado.
WATCH | Matagal na akong pabor sa Cha-cha! -Rep. Elpidio Barzaga Jr.
Ipinaliwanag ni Cavite Rep. Pidi Barazaga kung bakit taong 2007 pa lamang ay pabor na ito na amyendahan ang mga Konstitusyon. Aniya, may mga kumpanya sa Cavite na pag-aari ng foreign investors ang hindi makapag tuluy-tuloy ng kanilang negosyo dahil sa nalilimitahan ng mga kasalukuyang batas.
WATCH | Nakakalungkot Philhealth, Former Sen. JV Ejercito sa UHC
Dismayado si dating Senator JV Ejercito na dating chairman ng committee on health at mismong may-akda ng Universal Health Care Law sa implementasyon ng Philippine Health insurance lalo pa nang maghain ito ng panukalang taasan ang premium ng mga Overseas Filipino Workers. Dagdag pa nya, mas matututukan nya sana ito kung sya ay nakapanatili sa Senado.
WATCH | Batas na angkop sa kasalukuyang ekonomiya!- Rep. Pido Garbin
Paglikha ng mga batas na magiging angkop sa kasalukuyang ekonomiya ang isa sa mga pinakamabigat na dahilan ng pagtutulak na ma-amyendahan ang economic provisions sa Konstitusyon, ito ang paliwanag ni Rep. Pido Garbin.
WATCH | Keep up naman, Pinas! – Rep. Pido Garbin
Mabilis lamang ang magiging pag amyenda ng Kongreso sa economic provisions ayon kay Rep. Pido Garbin. Ipinaliwanag rin ng mambabatas ang kahalagahan ng hakbang upang tumaas ang foreign direct investments sa bansa at makahabol man lang sa mga karatig na bansa sa Southeast Asia.
WATCH | YES, there’s enough time for Cha-cha! – Rep. Pido Garbin
May sapat na oras para sa pag amyenda ng apat na economic provision sa Konstitusyon ayon mismo sa chairman ng Committee on Constitutional Amendments na si Rep. Pido Garbin. Mas mapapabilis din ito kung may full cooperation ang Senado.