The bible of Philippine politics

Deo Macalma: Another PNoy’s kin, shows support for Binay

83

Sa ating espesyal na balita, isa pang kamag-anak ng Pangulong Aquino todo na rin ang suporta kay VP Binay sa 2016. Alam n’yo ba na bukod sa mga Presidential sisters, isa pang malapit na kamag-anak ni PNoy ang sumusuporta ngayon kay VP Binay. Ayon sa atin bubwit, itong malapit na kamag-anak ni P-Noy ay sumusuporta rin noon kay VP Binay at dati na itong tumakbo noong ito ay kumandidatong Presidente.

Bukod sa malapit na kamag-anak ni PNoy ay lantaran na rin ang pagsuporta ng isang dating DILG Under Secretary noong panahon ni GMA. Ito sana ang magse-serve ng suspension ni Binay noong siya pa ay mayor dahil sa kasong graft kaya lang hindi natuloy dahil natakot itong mga taga-DILG nang magkulong sina Binay sa Makati City at nagsuot ng uniporme ng Marines.

Yung Usec noon ng DILG na magse-serve ng suspension kay Binay ay brod pala niya sa fraternity kaya hindi rin itinuloy. Ayon sa ating bubwit, yung isa ring cabinet member ni GMA noon na magaling na political strategist ang nandun na rin sa kampo ni VP Binay na nagpanalo raw kay Fidel Ramos at dating Pangulong Erap at GMA.

Ayon sa ating bubwit  ang malapit, na kamag-anak ni Pangulong Aquino nandun na rin sa kampo VP Binay ay walang iba kundi si dating Congressman ‘J’ as in Jose. DzRH 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy