The bible of Philippine politics

Marlo Dalisay: More ambitious than Binay

52

Muntik na raw hindi umabot sa deadline para sa takdang isyu ang isang babasahin dahil sa tindi ng hirap na naranasan ng mga layout artist nito para lamang mapagkasya sa loob ng pahina ang lit­rato ng isang pulitikong palihim na nag-aambis­yon na sabayan si Vice President Jojo Binay sa hangaring mapamunuan ang bansa.

Mantakin niyo nga naman, paano naman daw hindi mahihirapan ang mga layout artist ay halos tatlong column ang kinain ng litrato ng pulitikong ito kaya pati ang pangalan ng babasahin na dapat nakasentro sa gitna ay naiusog sa tabi.

Ang bali-balita, kaya raw nalagay sa pahina ang larawan ng pulitiko mula ulo hanggang paa ay dahil gusto nitong maipakita sa mga nagbabasa na seryoso na sila na ibangon ang tumimbuwang na kredibilidad ng kanyang grupo dahil sa kahihiyang inabot dulot ng mga nagdaang pangyayari.

Kaya ang siste, gumawa raw ng paraan ang kanyang mga tao nang hindi niya alam para maisingit sa magandang puwesto ang litratong nagpapakita ng masaya pero seryosong persona­lidad para sa pagtalima sa matuwid na landas ni Pangulong PNoy.

Pero bukod sa malaki ang original na litratong ipinagamit sa layout artist para mailagay sa pahina ay talaga naman daw kasing may kalakihan at kalaparan sa tunay na buhay ang pulitikong ito kaya hindi basta-basta namadyik ang laki ng larawan upang magkasya sa espasyo.

Kapag hinihinala raw pahaba ang litrato ay pumapayat ang pulitiko at hindi na nito nagiging kamukha sa tunay na buhay at kapag sinusunod naman ang original size ay sinasakop ang pang-apat na column ng pahina kaya tala­gang nagbutil-butil muna ang pawis ng artist bago maisalpak.

Clue: Hindi na dapat pagtakhan kung talagang malaki at malapad man sa tunay na buhay ang pulitikong ito dahil buhat daw nang tumigil ito sa paninigarilyo ay napagbalingan na ang pagkain bilang pamalit na bisyo. Madalas daw makuhanan ng supot na pinaglagyan ng chichacorn ang mga bulsa ng amerikana nito noong kakahinto pa lamang sa paninigarilyo. Abante Tonite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy