The bible of Philippine politics

Marlo Dalisay: Senator,

49

Mistulang ginagaya na raw ng isang miyembro ng Mataas na Kapulu­ngan ng Kongreso ang isa nitong kasamahan na mas madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw makita sa loob ng session hall pero nakakapagtakang kakaunti lamang ang tala ng pag-absent o pagliban.

Aba’y paano naman kasi, hindi na rin daw nagdadadalo sa sesyon ang mambabatas na ito buhat nang mapag-usapan ang mga anomalyang sa mga darating na araw ay posible pang magbunyag kung sinu-sino ang mga sangkot.

Wala namang ipinapaliwanag ang tanggapan ng mambabatas na ito kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan at hindi na siya napagkikikita sa session hall kung kaya’t hanggang ngayon ay puro din lamang pagtatanong ang nasa isip ng mga naka­tutok sa mga aktibidad ng mga opisyal na halal ng bayan.

Dahil hindi na napagkikikita sa session hall, minsan ay hinanap ng mga mamamahayag ang mambabatas para matanong sa iba’t ibang usapin at natiyempuhan naman ito sa loob ng kanyang tanggapan.

Bagama’t kinausap naman, ulo hanggang paa daw na pagkadismaya ang inabot ng mga mamamahayag dahil hindi naman ito nagpaunlak ng pa­nayam at sinabing marami siyang mahahalagang bagay na inaatupag.

Pero ang totoo daw, talagang ang pinagha­handaan ng mamba­batas ay kung saan niya i­lulugar ang kanyang sarili sa oras na mabuksan na ang ikalawa at mga susunod pang “pandora’s box” dahil malamang ay kabilang na siya sa mga unang matutukoy at malamang na magaya sa iba pang kasama­hang nauna nang nasadlak sa hindi ma­gandang sitwasyon.

Kaya nga nagta­tanong na rin daw ang mga taong bumoto sa kanya kung para saan pa ang ginawa nilang pagsuporta noong nakalipas na halalan kung hindi naman ito dadalo sa mga sesyon at hindi haharapin ang mga susunod na sitwasyon na ibubunga ng pagkakasangkot sa mga iregularidad sa kuwarta.

Clue: Ang mambabatas na ito ay matapang at magaling din sanang makipaglaro ng taguan-pong kung hindi lamang ang kanyang misis ang taya. Mula noon hanggang ngayon ay tila permanente na rin sa kanya ang paghawak sa isang partikular na komite sa institusyong kinabi­bilangan. May Letrang E at H as in Explain your Housing project sa kanyang buong pangalan. Abante Tonite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy