The bible of Philippine politics

Marlo Dalisay: So insecure for 2016 poll

53

Sobrang pagka-insecure raw ang nararamdaman ng isang pulitikong nag-aasam na pamunuan ang bansa sa isa pang personalidad na una nang nagpakita ng kahandaan na maging pinuno ng bansa.

Paano naman daw kasi halos magkalagas-lagas na ang buhok ng pulitikong ito sa pagpapakitang-gilas at mapalapit sa publiko ay parang wala pa ring nangyayari at hindi umeepekto sa masa dahil ayaw pa rin siyang pumintig sa mga survey.

Ang pinakahuling ginawa raw ng pulitiko ay ginaya ang isang patalastas na nauna nang naging gimik ng personalidad na hinahabol nito noong ang huli ay pinuno pa lamang ng isang lungsod na may malaking kita.

Ang sabi nga raw ng mga kritiko ng pulitikong ito ay hindi naman siya ang dapat na nagmuwestra sa pata­lastas na ginagamit para magpasikat sa publiko dahil ang malapit na kaanak naman niya ang namumuno sa lugar na binabanggit.

Kaya nga raw dahil dito ay lumabas na talagang desperado ito na mahabol ang personalidad na nangunguna sa survey dahil kapag hindi niya ito nagawa ay maraming mawawala sa kanilang angkan, hindi lamang ang pangarap na makabitan ang sasakya­n ng specialized plate kundi ang panganib na maagaw sa kanila ang pagmamay-ari sa isang lugar na pinagmumulan din ng malaking kita.

Hindi na raw magtataka ang mga naka-monitor sa tanggapan nito kung mababalitaang muli isang umaga na nagpalit na naman ito ng mga tauhan sa media group dahil kahit na anong gimik ang gawin ay tala­gang mistulang natutulog na mantika ang pintig nito sa survey.

Clue: Ang pulitikong ito ay mahi­lig magpatawag ng press conference sa mga lugar na hindi naman sakop ng hurisdiksiyon ng mga mamamahayag na nakatalaga sa institusyong kanyang kinabibilangan. May mga letrang A at T as in Ang Tumal sa survey sa kanyang buong pangalan. Abante Tonite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy