The bible of Philippine politics

Mr. Politician spoils boylet to the max

98

Iba pala mag-alaga itong opisyal ng isang ahensiya sa kanyang boylet dahil binubusog ito ng mga imported na tsokolate.

Nasagap ni Mang Teban, na tuwing umaalis umano patungong ibang bansa itong opisyal ay kahon-kahong tsokolate ang pasalubong nito sa kanyang boylet.

Hindi umano maaring uuwi ito na walang pasalubong na tsokolate sa kan­yang boylet na pawang mga special umanong tsokolate.

Paborito raw kasi ng boylet nito ang imported na tsokolate kaya ganu’n na lamang ito magpasalubong tuwing aalis ng bansa.

Hindi na sikreto sa mga tauhan at empleyadong nakapaligid sa opisyal ang tunay na kasarian at pagkatao ng kanilang boss kung kaya’t hindi na nila ipagtataka kung puno ng tsokolate ang opisina nito para sa kanyang someone special.

Pintahan ninyo na: Pomoposisyon ito sa 2014 elections kung kaya’t panay pabango at pakitang gilas ito nga­yon sa publiko sa pamamagitan na rin ng madalas ng pagpapabida sa mga maiinit. Abante

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy