The bible of Philippine politics

Mr.

104

Sino raw itong miyembro ng Lower House ang malakas gumamit ng bond paper para lamang maipamudmod ang kanyang press statement sa media na mistulang iniidolo ang pamosong si Asyong Aksaya?

Base sa impormasyong nakalap ng Tonite, dalawang ream ng long size bond paper daw ang inuubos ni congressman para sa printing ng kanyang press statement na ipamumudmod sa media.

Aba’y mukhang umabot daw sa 290 kopya ng press statement ang ipinapagaw­a ni congressman bawat araw, akala siguro ay kasing-dami ng mga miyembro ng Kamara ang media sa kapulungan.

Nagpapadala naman daw ng soft copy si congressman, pero ang nakakawindang dito ay patuloy ang pagpapa-print niya ng sangkatutak na kopya ng press statement kada araw.

Nasasayang lang daw tuloy ang mga papel na ginagamit ni congressman, paano nga naman ay hindi na uso ang hard copy sa pamamahagi ng press statement kundi idinadaan na lamang ito ngayon sa electronic mail.

Alam kaya ni Sen. Loren Legarda ang mga papel na sinasayang ni congressman? Aba’y baka magtampo ang senadora kapag nalaman niyang may congressman na nagsasayang lamang ng papel.
May balak kaya si congressman na tumakbo sa 2016 senatorial elections kung kaya’t ganu’n na lamang ang pagsusumikap ng mga tauhan nito sa pamumudmod ng press statement?
Kunsabagay, nang magpakasal si congressman sa isang celebrity ay marami na ang nagdududa na baka gamitin lang niya ito sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno, tulad ng pagiging senador.

Clue: Ang congressman na nagsasayang lamang ng papel sa pamama­hagi ng walang kuwentang press statement ay may distrito sa Luzon. May let­rang R sa kanyang pangalan as in Rome ang capital ng Italy. Abante 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy