The bible of Philippine politics

Solon flies to Europe with ex-fellow

62

Nabuko na magkasama sa Europe trip ang isang babaeng mambabatas at dating kasamahan sa Kongreso dahil sa madadaldal na foreign official na duma­lo sa isang pagtitipon ng inorganisa ng Palasyo ng Malacañang.

Walang nakakaalam na aktibo pa pala ang dating mambabatas sa kanyang trabaho kahit wala na ito sa posisyon dahil nakakapagbiyahe ito para mag-imbita ng mga foreign investors o kaya mag-inspeksyon sa mga proyekto sa ibang bansa para gawin dito sa Pilipinas.

Gayunpaman, walang impormasyon na mayroong kasama ang da­ting mambabatas na ito sa kanyang pagbiya-biyahe sa ibang bansa hanggang sa ibuko ito ng isang fo­reign official.

Ipinagmalaki kasi ng foreign official na ang aktibo pang mambabatas at ang dating solon ay magkasamang nag-Europe trip kaya nabuko na magkasama ang mga ito.

Namula ang babaeng mambabatas nang ibuko ng foreign official ang kanyang biyahe kasama ang dating mambabatas sa paghahanap ng mga ito ng mga proyektong maaaring ipatupad sa Pilipinas.

Inonsente kasi ang foreign official sa intriga sa dalawang mambabatas na ito na pinagsususpetsahan ang kanilang closeness kaya malamang na hindi sinasadya na ipagmalaki ang pagbiyahe ng mga solon.

Pintahan n’yo na: Matagal nang pinagsususpetsahan ang closeness ng dalawang mambabatas na ito na kung senador o congressmen ay hindi na sasabihin ni Mang Teban.

Basta mayroon silang inisyal na ‘LA’, as in itinatanggi nila ang kanilang Love Affair. Gets n’yo? Abante 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy