WebClick Tracer

POLITIKO | The Bible of Philippine Politics
About POLITIKO
Advertise
Contact Us
Tag: Senador Francis Tolentino

WATCH | Tolentino calls out DBM for deviating SC’s ‘Mandanas ruling’

Kinastigo ni Senador Francis Tolentino ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y baluktot na interprestasyon ng ahensya sa tinatawag ‘Mandanas ruling’ ng Korte Suprema.Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa panukalang P5.024-trilyong national budget para sa 2022 budget.

Pinuna ni Tolentino ang liderato ng DBM dahil taliwas sa utos ng Kataas-taasang Hukuman ang ginagawa ng ahensya sa pagpapatupad ng 2018 Mandanas ruling na magbibigay dapat ng dagdag kita at awtoridad sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa.Nakapaloob sa 2018 Mandanas ruling na ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga LGUs ay dapat naka batay sa lahat ng kasalukuyang kita sa pambasang buwis and hindi lamang base sa National Internal Revenue Taxes (NIRT).

Ayon kay Tolentino, naguguluhan siya sa mga inilibas panuntunan ng DBM sa nasabing Supreme Court (SC) ruling kagaya ng mga salitang “re-calibrate, assess, at monitor.” Ang mga nasabing terminolohiya ayon sa senador ay wala sa lugar at wala sa kahit anong bahagi ng Mandanas ruling.

POLITIKO All-Network Search