WebClick Tracer

Tag: Trillanes

WATCH | Top news in politics this week!

ICYMI: Top news in politics this week (November 29-December 4)
#PolitikoLive
#PolitikoPH
10. Vaxx pa more! #BayanihanBakunahan continues
9. Magwiwithdraw ba talaga? Bong Go tells supporters: Don’t wait for me outside Comelec
8. Knock-out ni Pacquiao lahat! Pimentel says Manny will finish electoral bout and win
7. Connect ‘da duts! Talk of Isko Moreno as Duterte’s secret bet revived after Bong Go backs out
6. Zarzuela o Moro-moro? Trillanes says there might be a secret candidate if Marcos Jr. gets disqualified
5. Magulang may kasalanan! Roque clears Marcos Jr. from corruption, human rights violation cases
4. Bawal tumakbo! 2nd petition to disqualify Marcos Jr filed
3. Duterte claims he’s delivered on his promises: ‘I tried my best’
2. Expired na gagamitin pa? Galvez eyes extending shelf-life of COVID-19 vaccines
1. Pasko sa kulungan! Pharmally executives could be in jail until June 30, 2022

WATCH | Trillanes kakasuhan ng inciting to sedition

Nagbabala si Atty. Manuelito Luna na magsasampa siya ng kaso kasama ang iba pang abugado laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isinagawang presscon sa lungsod ng Pasay sinabi ni Atty. Luna na inaayos na nila ang pagsasampa ng dalawang kaso ang traditional libel to inciting to sedition at cyber libel to inciting to sedition laban sa dating senador.

Kilala si Atty. Luna na nagsampa ng mga kaso laban kay Trillanes sa Pasay Metropolitan Trial Court.

Ayon kay Luna bilang isang ordinaryong mamamayan nanahimik na siya subalit nabanggit siya ni Trillanes sa mga banat sa publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Bong Go.

Ipinaliwanag din ng abugado na ginamit ni Trillanes ang Tiktok para sirain sina Pangulong Duterte at Senador Go na aniya may paglabag sa Cyber libel to inciting to sedition bukod pa sa mga paninira ng senador sa publiko na pasok aniya sa traditional libel to inciting to sedition.

Iginiit pa ni Atty. Luna na walang kasong plunder na nahaharap sina Pangulong Duterte at Senador Go dahil hindi pa nagsasampa ng kaso si Trillanes.

Hinamon din ng abugado si Trillanes na kung may sapat na ebidensya magsampa ng kaso at huwag magngangawa para sa political interest sa nalalapit na halalan.

Dagdag pa ni Atty. Luna na kung wala naman ebidensya mas makakabuti na mag public apology na lamang si Trillanes sa taumbayan sa paninira sa pangulo at kay Senador Go.

Aniya kung gagawin ito ng senador maaring hindi na sila magsampa ng kaso laban kay Trillanes.