Hindi naniniwala si Bayan Muna Representative Carlos Zarate na malilimitahan lamang sa mga pang ekonomiyang usapin ang talakayan kapag binuksan ang Cha-cha. Para sa kanya, maaring istratehiya ito para sa pagpapalawig ng termino at kapangyarihan ng rehimeng Duterte.